Pagbabalik ng F2F classes, ‘biggest accomplishment’ ng DepEd sa first 100 days

Pagbabalik ng F2F classes, ‘biggest accomplishment’ ng DepEd sa first 100 days

October 7, 2022 @ 6:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Education ang pagbabalik ng face-to-face classes bilang “biggest accomplishment” ng ahensya sa unang 100 araw nito sa kasalukuyang administrasyon.

Ito ang inihayag ni DepEd spokesperson Michael Poa sa press conference nitong Biyernes, Oktubre 7.

“Ang talagang pinakamalaking accomplishment ng Department of Education sa pamumuno ng ating Vice President and Secretary of Education is ‘yung pagbabalik ng learners sa schools,” ani Poa na tumutukoy kay Vice President Sara Duterte na siya ring tumatayong Secretary ng DepEd.

“Bakit po? Kasi for the past two years, talagang pong maraming hindi nakapag-aral sa ating mga kababayan. So talagang iyon ang pinakamalaking accomplishment natin for the first 100 days na naibalik natin siya,” dagdag pa niya.

Siniguro rin ng Kagawaran na ibalik ang in-person classes sa bansa sa pinakaligtas na paraan sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa health protocol at mga panuntunan para rito.

Bukas, Oktubre 8 ang marka ng unang 100 araw ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. RNT/JGC