Pagbabalik ng face shield policy ‘di pa napag-uusapan – IATF

Pagbabalik ng face shield policy ‘di pa napag-uusapan – IATF

December 8, 2021 @ 4:40 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa napag-uusapan ang pagsusuot ng face shields sa gitna ng banta ng nakahahawang Omicron coronavirus variant, batay sa pandemic response task force.

“Currently, we are not talking about any changes right now,” ani Karlo Nograles, co-chairperson ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa CNN Philippines’ The Source.

Ayoko ring pangunahan if ever Omicron comes, but so far ito ang status quo natin.”

Sa ngayon, boluntaryo ang pagsusuot ng face shields sa buong bansa.

“The voluntary aspect of that really belongs to the establishment if they feel it is an added protection for customers, clientele, and employees. Mandatory pa rin po in healthcare settings, hospitals, quarantine centers, and quarantine areas,” dagdag pa nito.  RNT/FGDC