Pagbabalik ng kuryente sa quake- hit areas paspasan – PBBM

Pagbabalik ng kuryente sa quake- hit areas paspasan – PBBM

July 28, 2022 @ 1:14 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na iprayoridad ang pagpapanumbalik o restorasyon ng suplay ng kuryente at communication lines sa mga lugar na apektado ng magnitude 7.0 na lindol.

Sa isinagawang situation briefing sa Bangued town, Abra province,  sinabi ng Pangulo na kailangan din na agad na maibalik ang suplay ng tubig.

“These are the critical parts to support the victims in the meantime, hanggang makabalik sila,”  ayon sa Chief Executive.

Samantala, sinabi naman ni Senador Imee Marcos,  kasama rin sa briefing, na dineploy ang solar water purifying units sa Ilocos region.

Ito ang nag-udyok sa Pangulo na agad na ipag-utos ang pagbili ng mas maraming  water purification units para sa  Abra at iba pang lugar na apektado ng malakas na paglindol. Kris Jose