Pagbabalik ng number coding pag-aaralan ng MMDA

Pagbabalik ng number coding pag-aaralan ng MMDA

July 12, 2021 @ 8:15 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Pag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagbabalik ng number coding.

Ito ay dahil inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA sa pagsisimula ng paniningil sa Skyway Stage 3.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, tinatayang nasa 100,000 sasakyan ang dumadaan kada araw sa Skyway at 80 porsyento nito ay gumagamit ng RFID habang nasa 20,000 ang maaaring dumaan sa EDSA bilang alternatibo.

“That’s additional 20,000 vehicles. Ang capacity ng EDSA is more or less about 388,000 na tayo eh pero humi-hit pa tayo minsan ng 399,000.”

“Kung dadagdag itong 20,000, you could just imagine. Pinagaaralan namin kung ibabalik namin ang number coding,” saad pa ni Abalos.

Kasalukuyang suspendido ang number coding dahil pa rin sa pandemya. RNT/FGDC