PAGBABALIK NG OPSF ISUSULONG NG TODA PARTY-LIST

PAGBABALIK NG OPSF ISUSULONG NG TODA PARTY-LIST

January 21, 2022 @ 5:41 PM 9 months ago


UPANG maiwasan ang ma-tinding epekto ng biglaang pagtataas ng produktong petrolyo na talaga namang pabigat sa bulsa ng iba’t ibang sektor ng tranportasyon, ka-bilang na ang tricycle drivers at operators, isusulong ng TODA Party-List, no. 41 sa balota, ang pagbabalik ng oil price stabilization fund o OPSF.

Hindi rin maitatangging malaki ang epekto ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo sa pagtaas din ng presyo ng mga bilihin at maging sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan, ka-ya naman  napapanahon na para sa TODA Party-List na muling buhayin ang OPSF.

Nabuo at nagsimula ang OPSF sa termino ni dating Pangulong Ferdinand Mar-cos sa bisa ng Presidential Decree 1956 series of 1984 kung saan ang kita mula sa ipinataw na ad valorem tax sa mga produktong petrolyo ay inilagay sa isang special account sa general fund ng bansa.

Ang OPSF fund ang gi-namit noon upang bayaran ang oil companies tuwing magkakaroon ng pagtaas  sa presyo produktong petrol-yo bilang epekto ng pagbabago sa palitan ng dolyar at mataas sa presyo nito sa world market. Kaya hindi naipapasa sa publiko ang dagdag-presyo ng mga na-sabing produkto.

Para kay TODA Party-List 1st nominee Rovin Andrew Feliciano, malaking tulong ito lalo na sa sektor ng tatlong gulong na hindi maitatang-ging hindi kalakihan ang kitang naiuuwi sa araw-araw na kailangan nilang pagkasya-hin sa kabila ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Naniniwala si Feliciano na isa ang OPSF sa mga programang tunay na makapagpa-pagaan sa kondisyon ng mga nasa sektor ng tricycle ope-ration sa bansa.

Bibigyang-pansin din ng TODA Party List ang pagka-karoon ng insurance policy ng mga tricycle driver na ma-dalas maging biktima ng aksidente.

Sa kasamaang-palad nga, karamihan sa mga nasasa-wing tricycle driver habang pumapasada ay hindi insured at naiiwan ang kanilang pa-milyang walang maasahang anomang halaga ng salapi.

Dahil sa unang pagkaka-taon pa lang na may kaka-tawan sa sektor ng tatlong gulong sa Kongreso kung sakaling papalarin, titiyakin    ng TODA Party-List na mag-kakaron ng boses ang sektor na ito sa pagbuo at pagpapatupad ng mga batas na tiyak na makaaapekto sa kanila at ang buong bayan.