Pagbabalik ng quarantine period sa ROFs tinitingnan ng DOH

Pagbabalik ng quarantine period sa ROFs tinitingnan ng DOH

December 7, 2021 @ 6:14 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Titingnan ng Department of Health (DOH) ang panukalang ibalik ang quarantine period sa tatlong araw para sa mga umuwi na overseas Filipino (ROF) na negatibo sa COVID-19 lalo ngayong papalapit ang Kapaskuhan.

Ito ay matapos baguhin ng Inter-Agency Task Force ang quarantine porotocols para sa travelers na dumarating sa bansa na wala sa red list ng limang araw.

“Tignan natin. Habang pumapasok ang bagong kaalaman patungkol sa Omicron varian,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Gayunman, sinabi ng kalihim na mas mainam na hintayin pa ang mga datos at iba pang impormasyon.

“And part of this is whether we should bring back the quarantine period from five days to three days,” anang kalihim.

Sinabi ni Duque na ang Omicron variant nagdudulot lamang ng mild COVID-19.

Ang datos aniya ay nagpakita na ang mga rate ng pagkakaospital dahil sa variant ay hindi tumataas kaya hindi ito naiba at hindi nagdudulot ng alarma. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)