Pagbabalik ni Josh Richardson, naudlot

Pagbabalik ni Josh Richardson, naudlot

April 5, 2019 @ 11:48 AM 3 years ago


United States – Muli na namang mawawala si Miami Heat guard Josh Richardson, kababalik pa lamang nitong Miyerkules matapos mawala ng tatlong laro dahil sa sore heel, dahil naman ngayon sa groin injury at hip strain, ayon sa ilang ulat ngayong Huwebes.

Kahit na walang nakitang pinsala sa MRI ni Richardson sa kaniyang kaliwang baywang at groin, sinasabi sa ulat ng ESPN na ang Heat player ay hindi makapaglalaro sa dalawang importanteng linggo sa pag-asahang makapasok sa playoff ang kupunan.

Magugunita na sa natalong laban ng Heat sa Boston Celtics, 112-102, nitong Miyerkules, hanggang ikatlong kwarter lanbg naglaro si Richardson.

Mawawala si Richardson sa dalawang laban ng Heat na magsisimula ngayong Biyernes kontra Minnesota Timberwolves at matatapos sa Linggo laban sa Toronto Raptors.

Muling sasailalim sa evaluation si Richardson sa Lunes sa oras na makabalik sa Miami ang kupunan.

Ang Heat ay kasalukyang nasa ika-9 na puwesto sa Eastern Conference.

Ngayong season, si Richardson, nasa ikaapat nang season sa Heat, ay may average na 16.6 points, 4.1 assists at 3.6 rebounds per game./Remate News Team