Pagbabalik sa PBA ni Abueva suportado ng GAB

Pagbabalik sa PBA ni Abueva suportado ng GAB

August 6, 2020 @ 11:28 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hinimok ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra si Calvin Abueva na baguhin na ang ugali nito sa paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) kapag tuluyan na itong pinabalik sa liga.

Ayon kay Mitra, sumobra si Abueva nang banatan nito si TNT import Terrence Jones noong isang taon dahilan para bigyan ito ng indefinite suspensyon ng liga.

Umaasa rin si Mitra, na makukumpleto na ni Abueva ang lahat ng requirements nito bago ang muling pagbubukas ng PBA.

“Sana mag-comply rin siya,” ani Mitra.

“I-remind po natin ang mga player. Lahat may lisensya sa GAB. We don’t want to overstep. We are here. We are watching you. Turning pro comes with responsibilities.”

Sa kasalukuyan hinihintay na lamang ng PBA na kumpletuhin ni Abueva ang anim na  psychological tests bago tuluyan nang ibalik sa paglalaro.

Pinayagan na ni PBA Comissioner Willie Marcial si Abueva na magbalik sa praktis kasama ang Phoenix Pulse simula pa noong isang taon bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik.

Aminado naman si Mitra na ang ginawa ni Abueva kay Jones noong isang taon ay unprofessional, pero sinabi Mitra na susuportahan nito ang pagbabalik ng tinaguriang “The Beast” sa PBA.

“As you know, you have observed his improper and unprofessional decorum in the games. You think he is worth being called a professional player? Nanakit na eh. Minsan unbecoming na of a professional player,” ani Mitra.

“Ngayon, kung nadisiplina na, maybe he can present what steps and proper therapy sessions has he undergone. And then if he is able to convince the board, okay lang din sa amin. Pero na-observe namin na sumobra na talaga.”

Habang inaasahan nang magbabalik laro sa PBA, hinimok ni Mitra si Abueva na bawasan ang kanyang mga pang-aasar sa loob ng court.

“Ako, I believe in him. He is a good player. He is athletic. He is prolific at makatutulong sa team. Pero sana naman, mag-tame down na ng konti. Hindi na tama ‘yung ginagawa niya. Nakasasakit na siya. Nakatatakot, baka mamaya maka-injure siya at maapektuhan ‘yung livelihood niya,” wika ni Mitra. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...