Pagbabanta ng komunistang grupo, wa-epek sa Malakanyang

Pagbabanta ng komunistang grupo, wa-epek sa Malakanyang

July 8, 2018 @ 11:34 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines- Lumang tugtugin na ang mga pagbabanta ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na maglulunsad ng mga pananabotahe laban sa pamahalaan.

Ang ganitong gawain ayon sa Malakanyang ay matagal ng ginagawa ng komunistang grupo kaya’t wala ng epekto sa kanila.

Kaya nga, matigas pa rin ang posisyon ng gobyernong Duterte sa mga pinagsasabi ng CPP-NPA-NDF ukol sa usaping pangkapayapaan sa bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na hindi kailanman matitinag ang mga inilatag n akondisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa peacetalk negotiations para sa kabilang panig.

Aniya, walang epekto sa gobyerno kung hindi susunod si CPP founder Jose Maria Sison sa mga kondisyon na inilatag ni Pangulong Duterte bago sana ang ikalimang round ng usapang pangkapayapaan.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi na ito makikipag-usap pa kay Sison matapos bantaan ng huli na hindi na tatagal pa ng tatlong taon sa puwesto si Pangulong Duterte.

Matatandaang, nagbanta si Joma Sison na hindi na sila makikipag-usap kay Duterte at susuportahan na lamang daw nila ang mga grupo na magpapatalsik sa pangulo sa tungkulin. (Kris Jose)