Pagbabantay sa basura ng mga barko, hihigpitan ng DENR

Pagbabantay sa basura ng mga barko, hihigpitan ng DENR

July 7, 2021 @ 7:08 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Upang matiyak ang epektibong implementasyon ng Manila Bay rehabilitation program, nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magkaroon ng mas mahigpit na pagbabantay at pag-uulat sa sewage discharge ng marine vessels.

Iminungkahi ito ni DENR Undersecretary at Manila Bay Anti-Pollution Task Force Head Benny D. Antiporda sa Philippine Coast Guard (PCG) upang maiwasan ang polusyon mula sa sewage sa nakaraang pulong kasama ang DENR-Environmental Management Bureau (DENR-EMB), shipyard associations at marine vessel owners.

“In six years, a lot has changed already. Marine vessels have already increased in number and our population has grown. Maybe it would be better if we talk about the solution, which is coming up with a suited policy on how to control or stop the pollution in Manila Bay,” ani Antiporda sa PCG.

Sa press release, hiniling nito ang pangangailangan na magkaroon ng mas maayos na data monitoring at reporting ng “sewage from the source, treatment, collection, coordination with agencies, and disposal to sufficiently support the Manila Bay rehabilitation.”

“We cannot track the vessels if they discharge it within Manila Bay or outside the bay. Maybe we could come up with something that could safeguard the bay from discharges,” paliwanag ni Antiporda.

Kaugnay nito ayon kay PCG National Capital Region-Central Luzon Commodore Leovigildo Panopio, “the PCG takes the task of marine environmental protection seriously.”

Dagdag nito, kasalukuyang bumubuo ang ahensya ng mga programa at polisiya ukol sa pagpapatupad ng mga batas at regulasyon na layuning protektahan ang marine ecology.

Sinabi rin nito na may isinasagawang pag repaso ng mga Memorandum Circulars (MCs).

Samantala ayon naman kay Lieutenant Precious Omalsa, “there should be no discharges of sewage from the vessels in the Manila Bay region since it will not satisfy the ruling under the PCG MC 10-14.

Base sa ruling, ang mga barko na nagtatapon ng “comminuted” o disinfected/treated sewage ay kinakailangang may layong mahigit sa four nautical miles mula sa pinakamalapit na shoreline.

Samantala, ang mga barko naman na nagtatapon ng hindi “comminuted” o disinfected/treated na sewage ay kinakailangang may layong mahigit sa 12 nautical miles mula sa pinakamalapit na shoreline.

“Cleaning up the bay is not literally getting a pail of water and filtering it. It is more of stopping or minimizing the pollution, for the environment, for nature to heal itself. But sad to say, due to too much pollution, it cannot heal itself anymore,” ani pa ni  Antiporda. Santi Celario