Pagbabantay sa mga sundalong ginagamit sa mga krimen, paiigtingin ng AFP

Pagbabantay sa mga sundalong ginagamit sa mga krimen, paiigtingin ng AFP

March 9, 2023 @ 2:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Huwebes na paiigtingin nito ang pagsisikap para bantayan ang mga sundalo na gingamit sa mga krimen matapos ilan dating militray personnel ang umano’y sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi ni AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar na ipinag-utos ni Army chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. ang pagpapaigting sa counterintelligence efforts para bantayan ang mga sundalo.

ā€œWe share the same concern. Nag-utos na rin po yung [Army] commanding general na si Lieutenant General Romeo Brawner na palakasin yung counterintelligence,ā€ pahayag niya.

ā€œPara at least yung mga ganitong kaso ay namo-monitor din natin at makagawa tayo ng precautionary measures para hindi nila magamit ang kanilang skill na natutunan sa loob ng military organization sa criminal act like this,ā€ dagdag ng opisyal.

Base kay Aguilar, babantayan ng Army, Navy, at Air Force ang mga sundalo na nahaharap sa mga kaso o mga nag-AWOL (absent without official leave).

Ani Aguilar, nahaharap ang mga naarestong suspek sa pagpatay kay Degamo ay Army personnel na nahaharap din sa iba’t ibang kaso gaya ng paglabag sa Article 97 ng Articles of War o conduct prejudicial to good order and military discipline maging illegal drug cases.

Si Joven Javier ay dating sergeant na nakatalaga sa Light Reaction Unit ng AFP at sinanay para sa counterterrorism, ayon kay Aguilar.

Si Joric Labrador naman ay dating sergeant na nanilbihan sa intelligence battalion, ani Aguilar.

Samantala, si Benjie Rodriguez ay dating corporal at nakatalaga sa 35th Infantry Battalion, patuloy niya.

Napatay si Degamo at lima pa habang 13 sugatan sa March 4 attack na isinagawa habang namamahagi ng gobernador ng tulong sa kanyang constituents sa bayan ng Pamplona. Umabot na sa siyam ang nasawi nitong Linggo.

Naghain na ang government prosecutors ng murder at frustrated murder charges laban sa apat na suspek sa pagpatay kay Degamo sa Tanjay City Regional Trial Court.

Ikinasa ang mga kaso laban kina Labrador, Javier, Rodriguez, Osmundo Rojas Rivero, at 12 John Does.

Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na naihain na rin ang kasong illegal possession of firearms, ammunition, and explosives sa tatlong indibidwal sa Bayawan City Regional Trial Court.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Miyerkules na ā€œthe end is nearā€ sa Degamo case dahil mayroon umano silang hawak na video ng umano’y mastermind. RNT/SA