Pagbabasa ng bibliya, ipinaalala ng obispo sa National Bible Week

Pagbabasa ng bibliya, ipinaalala ng obispo sa National Bible Week

January 30, 2022 @ 1:04 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Habang ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang National Bible Week, binanggit ni Taytay, Palawan Bishop Broderick S. Pabillo ang kahalagahan ng pagbabasa ng Banal na Bibliya bilang isang paraan ng pakikipag-usap sa Diyos.

“The Word of God is available to us anytime. We can always go back and reacquaint ourselves with it. And as we pray and ponder on God’s teachings, the deeper our knowledge of the Sacred Scriptures will be,” sinabi ng Obispo sa post ng Archdiocese of Manila .

“As we go through our daily struggles and in our confusion, let us be guided by the Word of God in the Holy Bible. Let us read it, reflect on it and feel the presence and joy of our Savior despite the difficult times,” diin pa ng Obispo.

Tinutulongan aniya ng bibliya ang mananampalataya na manalangin.

“The Bible helps us to talk to Jesus. The Bible helps us to pray. If we love Jesus, let us do as He commands. His commandments are in the Bible.” sabi pa ni Bishop Pabillo

Sa pagdiriwang ng Week of Prayer and Christian Unity, hinimok ng Obispo ang mananampalataya na kilalanin ang iba pang relihiyon sa kanilang pagtulong sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

“God’s Word comes to us in many forms, through our environment, our history, and through our conscience when we pray,” anang Obispo. Jocelyn Tabangcura-Domenden