Pagbabawal sa provincial buses na makapasok sa EDSA, ipinakakansela muna ng mga kongresista

Pagbabawal sa provincial buses na makapasok sa EDSA, ipinakakansela muna ng mga kongresista

July 17, 2018 @ 5:48 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa basehang wrong timing at magdudulot lamang ng mas malaking problema, ipinakakansela ng House Committee on Metro Manila Development  sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Inter Agency Council for Traffic (LTFRB-IACT) ang planong pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA tuwing rush hour.

Sa isinagawang pagdinig ng komite ay nagmosyon sina Ako Bicol Rep Rodell Batocabe at Asenso Partylist Rep. Teodoro Montoro na huwag ituloy ang plano ng MMDA at IACT na sinang-ayunan naman ni Committee Chairman Winston Castelo.

Giit ng mga mambabatas na ang hakbang ng MMDA at IACT ay tiyak na magreresulta lamang para magsulputan ang mga colorum, magdudulot din ito ng trapiko dahil walang mga permanenteng terminal para sa mga provincial buses sa labas ng EDSA.

Tinuring din ni castelo na anti-poor ang nasabing hakbang dahil tiyak na mga regular commuters na walang sariling sasakyan ang maapektuhan nito.

Dagdag naman ni Batocabe na tiyak na mas magagastusan pa ang mga pasahero dahil kung hanggang Cubao lamang ang kanilang biyahe subalit ang destinasyon ay mas malayo pa ay dagdag na gastusin sa pamasahe pa ito na hindi na umano kakayanin pa ng mga ordinaryong mamamayan lalo at nahaharap ang bansa sa mataas na inflation rate.

Sa panig ng MMDA ay nanindigan ito na malaki ang benepisyo ng kanilang plano, una na dito ay maiibsan ang matinding trapiko sa EDSA lalo sa rush hour, mababawasan ang travel time at vehicle operationg cost na sa kanilang pagtanya ay aabot sa P47.3M.

“Malaki ang mababawas sa gastusin sa gasolina, mas magiging mabilis ang mobility ng publiko, maraming advantages ito kung ating masusubukan”giit namn ng kinatawan ng MMDA na si Noemi Recto.

Ayon sa MMDA may pakinabang ang mga pasahero, motorista at maging mga bus companies sa kanilang ipinapanukala dahil mas magiging mabilis ang ikot sa EDSA sa bawat byahe na manganaghulugan na dagdag na biyahe at dagdag na kita. (Gail Mendoza)