Pagbago sa kasaysayan ‘di intensyon sa palit-disenyo ng P1K bill- BSP

Pagbago sa kasaysayan ‘di intensyon sa palit-disenyo ng P1K bill- BSP

December 14, 2021 @ 2:06 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong Martes na walang kinalaman ang desisyon na palitan ang disenyo ng P1,000 bill ng Philippine eagle mula sa 3 national heroes sa pagbabago ng kasaysayan.

Sa pagtatapos ng linggo ay inilahad ng BSP ang bagong disenyo ng P1,000 na nagpapakita ng isang Philippine eagle, kapalit nina Josefa Llanes-Escoda, Gen. Vicente Lim at Jose Abad Santos.

Subalit nakatanggap ito ng mga puna mula sa ilang historical groups at mambabatas.

Iginiit ni SP Governor Benjamin Diokno sa TeleRadyo na alinsunod ang desisyong ito sa global trend. 

“Kasi pinagaaralan namin, sa ibang bansa ganon ang trend. ‘Yung eagle symbolizes the whole country. Isang ibon na endangered,” paliwanag ni Diokno.

“Hindi naman natin kinakalimutan ang mga bayanı. Ang mga bayani, bayanı ‘yan kahit nasa pera o wala. It was not an attempt to revise history, hindi mo naman mapapalitan ang kasaysayan ng isang bansa,” dagdag niya.

Samantala, binaggit din ni Diokno na ang paggamit ng polymer o plastic bills sa halip na papel ay mas cost-effective at hygienic.

Ilalabas ang bagong disenyo ng P1,000 sa polymer bills sa isang taon. RNT/SA