Pagbagsak ng pelikula sa pandemya, pansamantala lang – Eric Quizon

Pagbagsak ng pelikula sa pandemya, pansamantala lang – Eric Quizon

January 13, 2022 @ 9:28 AM 1 week ago


Manila, Philippines – For the record ay hindi impressive ang resulta sa box office ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2021. At bilang isang veteran actor/director ay nagpahayag ng opinyon si Eric Quizon sa nangyayari sa indistriya.

“I feel bad for what’s happening but I would like to believe that this is only temporary. It’s obvious na takot pa rin ang mga tao na lumabas ng bahay kaya naapektuhan talaga ang movie induatry natin. Walang gustong manood ng sine or baka kainti lang dahil sa takot na mahawaan sila ng COVID-19 at ngayon nga, ‘yung Omicron.

“Let’s all pray na matapos na talaga ang pandemic para bumalik na rin ang sigla ng movie industry. Let’s all work for that,” sabi pa ni Direk Eric.

Isa si Eric sa mga maswerteng showbiz personalities na sa gitna ng pandemic ay hindi nawawalan ng project. Kasama si Eric sa ‘Quizon CT’ o  Quizon Comedy Theater’, ang pinakabagong gag show ng NET25. Kasama rin ni Eric ang iba pang mga anak ng yumaong “King of Comedy” na si Dolphy, na sina Epi at Vandolph, at ang asawa ng huli na si Jenny.

Si Eric na rin ang nagdi-direk ng nasabing gag show kasama si Epi.

Ang  ‘Quizon CT’ ay napapanood tuwing Linggo, 8:00 PM. JP Ignacio