Pagbagsak ng piso vs dolyar, aksyunan ni PBBM – PCCI

Pagbagsak ng piso vs dolyar, aksyunan ni PBBM – PCCI

October 14, 2022 @ 6:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na aksyunan na ang patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Matatandaan na nitong Huwebes, Oktubre 13 ay bumagsak pa ang halaga ng piso kontra US dollar sa P59 to $1.

“The depreciation of our currency. Definitely… everything that we import especially on food-related staple items,” ani PCCI President George Barcelon sa panayam ng ANC.

“So, the government should try to mitigate that in a sense that supply should be made available. Those we do not produce enough, the importation should be more open,” dagdag pa niya.

Nagbabala rin si Barcelon na maaaring magpataas pa sa presyo ng mga produkto sa papalapit na holiday season ang kakulangan sa raw items.

“We continuously communicate with the key Cabinet secretaries… and we share with them some input that we see because we have more visibility on the ground,” aniya.

Sa pagtaya ng ilang analyst, posible pa ang pagsadsad ng halaga ng piso sa P60 katumbas ng $1. RNT/JGC