Pagbagsak ng Silicon Valley Bank ‘di magdudulot ng financial crisis sa Pinas – BSP chief

Pagbagsak ng Silicon Valley Bank ‘di magdudulot ng financial crisis sa Pinas – BSP chief

March 15, 2023 @ 10:03 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – WALANG matinding epekto sa financial system ng bansa ang nangyaring pag-collapse ng Silicon Valley Bank sa Estados Unidos.

“No. It will not trigger another financial crisis,” ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla sa isang panayam.

Hiningan kasi ng komento ang BSP governor ukol sa pag-collapse ng Silicon Valley Bank at kung ito’y magiging dahilan ng panibagong financial crisis sa bansa

Noong nakaraang linggo, nabalita na ang Silicon Valley Bank, dalubhasa sa financing startups ay isinara at ang assets nito ay kinuha ng US authorities matapos na malugi ng $1.8 billion sa sale na $21 billion halaga ng securities.

Ang pag-collapse ng Silicon Valley Bank ay pinangangambahan na magti-trigger sa posibleng spillover sa buong US banking system.

Sinabi ni Medalla na “no reported exposure of Philippine banks to Silicon Valley Bank.”

“Philippine banks have strong balance sheets,” diing pahayag nito.

Kamakailan, sinabi ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na malakas at stable ang banking system sa bansa sa gitna ng pag- collapse ng Silicon Valley Bank sa Estados Unidos.

Inilarawan bilang “American banking sector’s biggest failure” simula pa noong 2008 financial crisis.

Sinabi n BAP na ang mga”have diversified deposit bases that include all sectors of the Philippine economy, allowing them to continuously provide the liquidity needs of their clients.”

“Additionally, banks in the Philippines continue to have capital and liquidity ratios that exceed the requirements set by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP),” ayon naman sa bankers group. Kris Jose