Mga istasyon ng LRT-1 lalagyan ng smart locker systems

January 31, 2023 @2:57 PM
Views: 7
MANILA, Philippines – Padadaliin na ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pagtanggap ng mga packages, kasabay ng pag-aanunsyo nito araw ng Martes, Enero 31 ng kauna-unahang smart locker system sa mga istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Pebrero.
Sa pahayag ng LRMC, ang mga smart locker ay ilalagay sa lahat ng 20 istasyon ng LRT-1 upang magbigay ng efficient, contactless delivery service para sa mga mananakay na nais gamitin ang mga istasyon na maging pick-up locations ng kanilang items.
Kasunod ito ng kasunduan ng LRMC at Airspeed Group of Companies nitong Lunes, Enero 30 sa pagbili ng PopBox, isang smart locker system na magpapadali sa pagkuha ng mga delivery.
Ginagamit na ang ganitong teknolohiya sa Indonesia at Malaysia.
Ayon sa LRMC, magsisilbi rin ang Airspeed bilang official logistics partner para sa mga customers nito, kabilang ang e-commerce platforms at small and medium-sized businesses.
Sinabi naman ni LRMC President at CEO Juan Alfonso na ang pagbili sa mga PopBox ay naaayon sa target ng LRMC na pagbutihin pa ang commuter experience.
“The LRMC team is passionate about innovation. Driven by our shared mission to enhance the commuter experience and make it truly world-class, we want to make commuters feel like they are in a station that they might go to in other countries,” ani Alfonso.
“We aim to give our passengers a glimpse into our future, and we’re glad to partner with the Airspeed Group in making part of this vision happen,” dagdag niya.
Samantala, siniguro naman ni Airspeed Group Chairperson Rosemarie Rafael, ang pagbibigay ng mabuti at mabilis na online shopping experience para sa mga Filipino. RNT/JGC
VAT refund program sa mga dayuhang turista inaprubahan ni PBBM

January 31, 2023 @2:44 PM
Views: 11
MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng value added tax program para sa mga dayuhang turista.
Simula sa 2024 ang mga dayuhang bibisita sa bansa ay pagkakalooban ng VAT refund.
Sa ilalim ng programa, ang mga dayuhang turista ay makakakuha ng VAT refund sa mga binibili nilang produkto sa Pilipinas.
Layunin nitong mas makahikayat pa ng maraming turista para bumisita sa bansa.
Inaprubahan din ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ngayong taon ng online visa para sa mga Chinese, Indian, South Korean at Japanese tourists.
Aalisin na din ang One Health Pass (OHP) para sa immigration at customs.
Ang VAT Refund Program at e-visa ay bahagi ng “Quick Wins” recommendations ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector Group sa pangulo.
Layon ng Quick Wins proposal ng PSAC na mas mapaigting pa ang tourism industry sa bansa.
Sinabi rin ng PSAC officials kay Pangulong Marcos na pinaplantsa na din ang pagkakaroon ng mobile app na tatawaging e-Travel kung saan pag-iisahin na ang mga impormasyon sa immigration, customs, health, at quarantine.
Inaasahang simula sa buwan ng Pebrero ay magagamit na ang nasabing app.
Ang mga turista ay maaring mag-fill up ng form sa pamamagitan ng app bago sumakay o habang sakay ng eroplano basta’t mayroon silang internet connection.
Ang PSAC ay binubuo ng mga business leaders at industry experts sa nagbibigay ng technical advice sa pangulo. RNT
Lalaki kulong sa pagnanakaw

January 31, 2023 @2:40 PM
Views: 15
MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang kinahantungan ng isang 41-anyos na lalaki matapos na masangkot sa kasong kriminal, sa lungsod ng Tarlac, taon na ang lumipas.
Sa ulat na nakarating sa pamunuan ni Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ng Talavera police ang di-umano’y suspek na si Domingo Estrelito y Viterbo, binata, residente ng Barangay Campos, Talavera, Nueva Ecija.
Sa report ng pulisya, dakong 3:20 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa ikinasang manhunt charlie operation sa Barangay Campos, Talavera, Nueva Ecija nang pinagsanib na operatiba ng Warrant at Intelligence Section ng Talavera police station katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at 303rd Memorandum Circular (MC) Regional Mobile Force Batallion 3 (RMFB3).
Si Domingo ay inaresto makaraang magpalabas ang korte ng Alias Warrant para sa kasong Qualified Theft na may criminal case number 9111-2019 na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 63, Tarlac City, Tarlac na pinetsahan noong June 13, 2022 at natanggap umano ng nasabing istasyon ng pulisya noong September 7, 2022 at may piyansa sa halagang P72,000.
Pansamantala ang suspek ay nasa kustodiya ng Talavera municipal police station. Elsa Navallo
Romualdez kumpiyansa sa target na 6M housing units

January 31, 2023 @2:31 PM
Views: 16
MANILA, Philippines – Kumpiyansa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maaabot ng pamahalaan ang target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagtayo ng anim na milyong housing units sa kabuuan ng termino nito.
Ang pagpapahayag ni Romualdez ng kumpyansa ay kasabay ng groundbreaking ng Legacy Housing Project ng administrasyong Marcos sa Batasan Hills, Quezon City nitong Martes, Enero 31.
Ito ay bahagi ng “Pambansang pabahay para sa Pilipino” Program.
“Our target: one million housing units every year. This is an ambitious target, but I am very confident we can achieve this through our unity in purpose and the cooperation of all stakeholders in the program,” saad sa pahayag ni Romualdez.
Nangako rin siya na gagawin ng Kongreso ang lahat ng makakaya nito para suportahan ang mga programa ng Pangulo dahil naniniwala ito na ang pagkakaisa ang susi para maabot ang target ng pamahalaan.
Ani Romualdez, mula noong unang araw ni Marcos bilang Pangulo ay nagbigay na ito ng kautusan na makapagbigay ng abot-kayang pabahay para sa mga Filipino na walang sariling tirahan.
Sinabi rin niya na inaayos na ni Secretary Jose Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development ang lahat ng resources ng pamahalaan at pribadong sektor para suportahan ang housing program.
Samantala, idiniin ni Romualdez na ang Legacy Housing Project ay
“a testament how creative and innovative solutions to poverty can help to improve the lives of people in the long-term,” sabay hikayat sa mga katuwang dito na, “continue this legacy of creating opportunities for those in need and making sure that everyone in our country has access to basic necessities such as housing.” RNT/JGC
PAF muling nagpalipad ng air assets sa nawawalang Cessna plane

January 31, 2023 @2:18 PM
Views: 26