Pagbangon ng Basilan sa imahe ng terorismo, prayoridad ni Rep. Hataman

Pagbangon ng Basilan sa imahe ng terorismo, prayoridad ni Rep. Hataman

July 5, 2022 @ 1:41 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Upang tuwirang makabangon na ang Basilan mula sa imahe ng terorismo ay naghain ng mga panukalang batas si House Deputy Speaker Mujiv Hataman.

Apat na pawang priority bills ang inihain ng mambabatas na ang layuni ay makatulong para sa pagbabago, pag-unlad at maisulong ang kapakanan ng kaniyang mga nasasakupan sa isyu ng kalusugan, edukasyon at kabuhayan.

Inihain din ni Hataman ang isang resolusyon na nagsusulong upang imbestigahan at repasuhin ang Hajj coordination program ng gobyerno sa gitna ng pagka-antala at aberya na dinanas ng mga Filipino Muslim  sa pilgrims ngayong taon.

‚ÄúSa ating ikalawang termino bilang kinatawan ng Basilan, ating tututukan ang kalusugan, karunungan at kabuhayan ng mga Basile√Īos. Ipagpapatuloy natin ang magandang nasimulan noong 18th¬†Congress,‚Ä̬†giit ni¬†Hataman¬†dating gobernador ng binuwag na¬†ARMM.

‚ÄúNakabangon na mula sa masamang imahe ng terorismo ang Basilan. At nagsimula nang mabuhay muli ang ekonomiya at turismo ng aming lalawigan. Kailangan lang nating sabayan ang pag-unlad ng mga mamamayan ng mga karampatang panukala na susuporta sa kanilang pag-angat.‚ÄĚ

Ang apat na panukalang inihain ng kongresista ay ang pagtatatag sa  Basilan Medical Center, sa Basilan Science High School, at multi-species hatchery sa Isabela City, at ang Basilan Sports Academy na pawang nakapaloob lahat sa House Bills No. 1057, 1058, 1059 at 1060.

‚ÄúIpaglalaban natin na mapalaki at mapalakas ang mga ospital sa Basilan, una na dito ang conversion ng Basilan General Hospital para maging Basilan Medical Center: mas malaki, mas makabago, at mas maraming karamdaman ang maaaring malunasan, kasama na ang mga malulubhang sakit.‚ÄĚ

Ani Hataman, mahirap ang waang sariling pagamutan dahil kapag maysakit aniya sa kaniyang distrito ay nagpupunta pa o dinadala sa ibang lugar gaya ng Zamboanga City na napaka-kritikal aniya lalo na sa may malulubhang karamdaman.

‚ÄúNakita namin ang hirap ng walang pagamutan na kayang gamutin ang malubhang mga sakit. Kailangan pang bumiyahe papuntang Zamboanga City. Ilang beses na nangyaring binabawian ng buhay ang mga tao habang nasa biyahe. Nakakalungkot, pero ito ang dapat nating tutukan.‚ÄĚ

Pagdating naman aniya sa palakasan  o sports ay nais ni Hataman na maitayo ang  Basilan Sports Academy upang mas mahikayat aniya ang mga kabataan na magtuon sa palakasan kaysa mauwi sa mga violent extremism at maging sa iligal na droga.

‚ÄúIsa rin itong punto ng pagkakaisa ng mga mamamayan, ang pagkahilig sa sports. Si Basilan Pride Joey delos Reyes na nanalo ng silver medal sa 30th¬†Southeast Asian Games ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming kabataan. At may koponan kami sa basketball na nanalo na ng kampeonato sa MPBL sa suporta ng mga Basile√Īos,‚Ä̬†ani¬†Hataman.

Sa pagrepaso naman aniya sa Hajj coordination program ay nais na matalakay at mailatag ng kongresista ang mga naging suliranin sa proseso ng koordinasyon o amyedahan ang ilang batas ukol dito dahil sa libu-libong Filipino pilgrims ang na-stranded sa Maynila dahil sa flight cancellations at problema sa visa

‚ÄúGusto sana nating malaman kung may problema ba tayo sa proseso ng koordinasyon, kung kailangang amyendahan ang batas para solusyunan ang mga ito, o kung panahon na ba para tingnan natin at gayahin ang modelo ng ibang bansa pagdating sa Hajj.‚ÄĚ Meliza Maluntag