Pagbasura sa ikalawang drug case, pagpyansa inapela ni De Lima

Pagbasura sa ikalawang drug case, pagpyansa inapela ni De Lima

February 24, 2021 @ 7:58 AM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Muling umapela ang nakakulong na senadora sa korte sa Muntinlupa para pagbigyan ang nauna nang tinanggihang kahilingan sa pagpayansa, maging ang pagbasura sa ikalawang drug case nito.

Tinawag din ni Sen. Leila de Lima “clearly lopsided and logically challenged” ang nasabing desisyon.

Matatandaang naipanalo ni De Lima ang isa sa drug case nito dahil sa kakulangan ng ebidensya na may kaugnayan kay Jad Dera, pero sa kabila nito ay hindi naman pinayagan ng korte ang hirit ng senadora na makapagpyansa.

Sa kanyang motion for reconsideration na isinampa nitong Lunes, inakusahan ni De Lima si Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 Judge Leizel Aquiatan ng “cherry picking” sa pamamagitan umano ng pag-quote lang sa ilang porsyon ng record na sumusuporta sa salaysay ng prosekusyon, habang hindi niya umano masyadong naipahayag ang kanyang mosyon.

Matatandaang binasura ni Aquiatan sa dalawang magkahiwalay na deisyon nito noong nakaraang linggo ang demurrer to evidence at ang hiling na makapagpyansa ng senadora sa kasong iniuugnay sa dati niyang bodyguard Ronnie Dayan.

Sa huli niya ring mosyon, ipinunto pa ni De Lima ang ginawa ng hukom sa 20 pahina ng 35-page ruling “summarizing the Prosecution’s narrative without ever addressing or citing the information elicited during the witness’ testimonies that contradicted such narrative” habang ibinigay lang ng hukom ang halos kalahati ng pahina sa kanyang side sa kabila ng 140-page motion for bail at 83-page demurrer. RNT


  •  
  •  
  •