Pagbawas ng asignatura sa antas 1-3 inihirit ng solon

Pagbawas ng asignatura sa antas 1-3 inihirit ng solon

August 22, 2022 @ 2:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isinusulong ng isang mambabatas na bawasan ang asignatura ng mga estudyante para sa antas 1 hanggang 3 upang matiyak na makukuha nila ang kalidad na edukasyon.

Ayon kay Pasig City Lone District Rep. Roman Romulo, dapat ikonsidera ng Department of Education na limitahan ang mga asignatura sa pagbasa, matematika, at GMRC o good manners and right conduct para sa mga nabanggit na antas.

“From grades 1 to 3, we have about 6 to 7 subjects. I think we really should reduce that,” pahayag niya nitong Lunes.

“Make sure that the student knows how to read and comprehend what he’s reading, make sure that mathematics is there and of course, GMRC,” dagdag ni Romulo, chairman ng House Committee on Basic Education and Culture. 

Ito ang naging pahayag ni matapos mangako ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa isang Senate hearing na pagbubutihin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sa pagnanais na mas maraming matutunan ang grade school children, sinabi ni Romulo, “We congested the curriculum too much”.

Binawasan na ng Department of Education noong 2020 already ang learning competencies o ang “knowledge, understanding, skills and attitudes” na kinakailangang maipakita ng mga estudyante sa bawat aralin.

Batay sa World Bank report, siyam sa 10 Pilipino na edad 10 anghindi marunong magbasa. Base naman sa report na ipinalabas nitong Nobyembre 2021, ang Pilipinas ay may 90 porsyentong “learning poverty”, na nangangahulugan ng kawalan ng kakahayahan ng isang bata “to read and understand simple text by age 10.”

Panghuli rin ang bansa sa pagbasa, ikalawa sa pinakahuli sa science at mathematics sa 79 bansa na nakilahok sa Program for International Student Assessment noong 2018.

Mababa rin ang pwesto ng ,ga Pilipinong estudyante sa Trends in International Mathematics and Science Study and Southeast Asia Primary Learning Metrics noong 2019.

Halos 28 milyong estudyante ang balik-eskwela nitong Lunes matapos ang dalawang taong distance learning dahil sa COVID-19 pandemic. RNT/SA