Pagbenta ng gamot sa sari-sari store, ipagbawal – FDA

Pagbenta ng gamot sa sari-sari store, ipagbawal – FDA

February 16, 2022 @ 7:14 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Hihilingin ng Food and Drug Administration (FDA) sa pamahalaang lokal na gumawa ng ordinansa sa pagbabawal ng pagbebenta ng gamot sa mga sari-sari store.

Ayon sa FDA, ito ay upang maiwasan ang pagbebenta ng mga pekeng gamot  na maaring magdulot ng panganib sa kalusogan ng mga konsyumer.

Sinabi ang panukalang ito ni  FDA Deputy General Oscar Gutierrez, kay  President Rodrigo Duterte sa “Talk to the People” briefing na inere nitong Lunes..

Punto ni Gutierrez, ang lokal na pamahalaan ang nag-iisyu ng license to operate sa mga sari-sari stores.

“FDA thinks that these sari-sari stores are also victims,”

“So actually,  the sari-sari stores have a license to operate from the local government. So we would like, if possible, to work with the LGUs so they can pass an ordinance that prevents the sari-sari stores from buying or carrying medicines,” pahayag pa ni Gutierrez.

Hinalimbawa naman ng opisyal ang Davao City na mayroon nang ganitong ordinansa.

Hinikayat din nito ang mga Filipino na bumili lamang ng gamot sa mga  FDA-licensed drug stores — kung saan  mayroong 45,000 nationwide.

Iniulat din ng FDA na may 185 sari-sari stores na iniimbestigahan ng FDA , 78 rito ay natuklasang lumabag sa  Pharmacy Act.

Sa 78, siyam ang napag-alamang nagbebenta ng pekeng gamot

Kabuuang 13 pekeng gamot din ang natuklasang  karamihan ay COVID-related .

Nakipag-ugnayan din ang FDA sa mga online shopping sites tulad ng Lazada at Shopee upang matukoy ang mga paglabag sa pagbebenta  ng mga pekeng gamot gamit ang mga platform, sabi ni Gutierrez.

Sa kanyang panig, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Ano na maglalabas siya ng memorandum circular “upang ang kampanya laban sa pagbebenta ng mga pekeng gamot ay [itigil] hanggang sa antas ng sari-sari stores.”

“They are dangerous to the health of our constituents,” dagdag nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden