Pagbibigay ng armas sa mga mamamahayag suportado ng PTFoMS chief

Pagbibigay ng armas sa mga mamamahayag suportado ng PTFoMS chief

January 21, 2022 @ 5:48 PM 9 months ago


MANILA, Philippines- Suportado ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Undersecretary Joel Sy Egco ang desisyon na magdala ng armas ang media workers upang maprotektahan ang kanilang sarili.

Sa paglulunsad ng “Media Security Vanguards” program ng PTFoMS, iginiit ni Egco ana ang paggamit ng armas ang dapat na “last resort” ng mga mamamahayag sakaling malagay sa panganib ang kanilang buhay.

“Kung sinusuportahan natin yung decision ng ibang kasapi sa media na mag-arm to protect themselves, of course,” aniya.

“Pressed against the wall, we need to fight back,” dagdag pa ni Egco.

Ayon kay Egco, tatalakayin ng PTFoMs at ng Commission on Elections ang hiling ng task force na exemption ng mga miyembro ng media sa gun ban para sa Halalan 2022.

“We have a request to the Comelec pending as of now,” sabi niya.

Patuloy pa ni Egco, maaaring mag-request ang mga mamamahayag ng exemption sa election gun ban. RNT/SA