Pagbibigay ng incentives para magpabakuna ‘di masama – Vergeire

Pagbibigay ng incentives para magpabakuna ‘di masama – Vergeire

May 28, 2021 @ 7:35 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Pabor ang Departmemt of Health (DOH) sa plano ng ilang local government units o LGUs na magbigay ng insentibo upang mahikayat ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Health Usec maria Rosario Vergeire na wala namang nakikitang masama rito at katunayan aniya ay nag-iisip na rin ang DOH ng karagdagang incentives para mas makahikayat ng mas maraming tao para magpabakuna.

Ayon kay Vergeire, ang ultimate goal ng gobyerno ay mabakunahan ang mas nakakarami upang mas marami rin ang maproteksyunan.

Batid naman anila na may hesitancy ang mga tao at maraming mga dahilan kung bakit sila ay tumatanggi o nag-aalinlangan.

Punto pa ni Vergeire, sa pamamagitan ng pagbibigay ng incentives, marami ang mahihikayat tulad  ng pagbibigay ng pagkain o papremyo.

Mayroon din aniyang ibang naiisp na incentives ang gobyerno kung saan magpapalabas ng guidelinesat impormasyon  kapag nabuo na ang konsepto.

“Providing incentives is part of the strategic way of persuading people  kasama yan sa tinatawag natin na persuation strategy wherein you give incentive to the people can be encourage to comply,”  ayon pa kay Vergeire. (Jocelyn Tabancgura-Domenden)