Pagbibigay ng internet allowance sa mga guro, pinag-aaralan ng DepEd

Pagbibigay ng internet allowance sa mga guro, pinag-aaralan ng DepEd

June 23, 2020 @ 4:19 PM 10 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang pagbibigay ng buwanang internet allowance sa mga public school teacher sa darating na school year sa ilalim ng new normal.

Ito ay matapos himukin ng teachers’ group ang DepEd na magbigay sa halos isang milyong public school teachers na monthly allowance ng P1,500 para sa Internet connection, na sinabing “vital for DepEd’s work-from-home arrangements and distance learning.”

Sa isang virtual press briefing nitong Martes, sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na kinikilala ng ahensya ang “communication-based expenses” ng mga guro sa pagtuturo ng mga ito sa kanilang mga mag-aaral, pakikipag-usap sa mga magulang, pag-report sa kanilang immediate supervisors, at makiisa sa training online.

“Kinikilala natin na iyan ay malaking gastusin ngayon in the delivery modalities in distance, remote, or blended learning (which) we’re going to implement come August 24,” ani Malaluan. “Tinitingnan ng mabuti ‘yan ng DepEd in reviewing the allocation for budget and if there are portions where we can give support, we’ll do that.”

Nitong Mayo 11, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na maaaring magamit ng mga guro ang kanilang chalk allowance upang bayaran ang internet connection fees. RNT/MM


  •  
  •  
  •