Pagbibigay ng lisensiya sa baril, PTCFOR hihigpitan ni Lacson

Pagbibigay ng lisensiya sa baril, PTCFOR hihigpitan ni Lacson

March 27, 2019 @ 2:21 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Nakatakdang maghain ng isang panukalang batas si Senador Panfilo Lacson upang higpitan ang pagbibigay ng lisensiya sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan upang maiwasan ang riding-in-tandem at walang puknat na pamamaril.

Sa panayam, sinabi ni Lacson na kailangan nang magkaroon ng pagbabago sa batas kabilang ang mindset ng taumbayan hinggil sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan.

“Ipinakikita sa pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Solomon Cugay na nakakakilos ang mga gunmen nang malaya dahil sa mga loose firearms kabilang ang mindset ng taumbayan na sinuman tao na nakasibilyan na may sukbit ng baril ay awtoridad,” paliwanag ni Lacson. 

Sinabi ni Lacson na hindi dapat ganito ang tingin ng taumbayan sa sinuman na may sukbit na baril sa kanyang baywang, bagkus dapat itong i-report sa pinakamalakit na istasyon ng pulisya. 
 
“Every day, we hear of someone being gunned down by motorcycle-riding assailants. A policeman is the latest victim in a growing list that includes politicians, traders and even lawyers,” aniya.

Naalala ni Lacson noong pinamumunuan niya ang PNP, pinalimitahan niya ang pagbibigay ng Permits to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR), upang matiyak na tanging pulis at military na nasa duty ang may hawak ng baril sa labas ng kanyang tahanan.

Inihalimbawa pa ni Lacson na sa ibang teritoryo tulad ng Hong Kong, awtomatikong isinusumbong sa pulisya ang sinumang sibilyan na may hawak o sukbit na baril sa baywang.

“Firearms are for self-defense against intruders and should be kept at home. Once one brings it outside your house, chances are the owner’s mindset can change and he or she can use it for offense,” giit ni Lacson.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Lacson na dapat maging isang malaking hamon sa PNP ang pagpaslang upang mapakita nila na kaya nitong protektahan ang publiko laban sa mga kriminal.

 “Some gun owners’ groups have argued they have no choice but to bring their guns outside their houses because the police cannot protect them. This should be a challenge to the PNP, to show they can protect the public,” aniya.

Aniya, panahon na upang higpitan ng PNP sa pagbibigay ng PTCFORs kasunod ng mga ulat na nakakakuha ng lisensiya ang mga kriminal na nagpapalit lamang ng pangalan upang makakuha ng permit.

Samantala, iginiit pa ni Lacson na kailangan higpitan ng batas laban sa baril sa pagbubukas ng 18th Congress.

Tinukoy pa ni Lacson na sa New Zealand, ikinokonsidera na ang mas mahigit na batas sa pagmamay-ari ng baril kasunod ng mass shooting noong Marso 15 na ikinamatay ng 49 katao.

“We cannot allow a situation that allows mass shootings like in other countries. Neither can we afford the present situation where the country becomes the Wild, Wild West,” aniya. Ernie Reyes