Pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan sa CDO, tinintahan

Pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan sa CDO, tinintahan

February 10, 2023 @ 5:59 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pumirma ng kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro at industry partner nito na Philippine Business for Education (PBEd) sa paglulunsad ng JobsNext Project.

Ayon kay PBEd Executive Director Justine Raagas, layon ng proyekto na ito na sanayin ang mga kabataan edad 18 hanggang 25 anyos sa iba’t ibang kasanayan para sila matanggap sa mga trabaho sa iba’t ibang industriya.

Layon din ng PBEd na bawasan ang negatibong epekto sa employability ng Philippine labor force sa pamamagitan ng pagbibigay ng industry-relevant, demand-driven, up-to-date, at naaayon na training programs.

Target din nito ang mga kabataan, nag-aaral man o out-of-school, maging ang mga nagsipagtapos na, working o non-working man.

Kasabay ng launching nitong Huwebes, Pebrero 9, sinabi ni Mayor Rolando Uy na magandang oportunidad ang proyekto para sa mga kabataan ng CDO na sanayin sa mga trabaho katulad ng pagiging business analyst, data scientist, at JavaScript developer.

“It doesn’t matter if they are in or out of school, employed or unemployed. All youth age 18–25 years old will benefit from JobsNext and have equal opportunities to learn new skills and competencies,” ani Uy.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 100 kabataan ang sasailalim sa training programs ng JobsNext Project.

Kabilang sa mga kompanyang sumuporta sa inisyatibong ito ay ang
Accenture, Microsoft, GO Philippines, Amazon Web Services, PLDT-Smart, ATRIEV, at ASEAN Foundation. RNT/JGC