Pagbibigay ng P1M sa mga sasapit ng edad 101 pasado na sa Kamara

Pagbibigay ng P1M sa mga sasapit ng edad 101 pasado na sa Kamara

January 31, 2022 @ 6:49 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang pankulang magbibigay ng karagdagang benepisyo sa Filipino centenarians.

Ito ay makaraang makakuha ang House Bill 10647 ng 193 affirmative votes sa plenary session.

Isinasaad sa panukala na ang mga aabot sa edad na 101 ay dapat makatanggap ng cash gift na P1 milyon sa kanilang kaarawan.

Dagdag pa rito ang felicitation letter na manggagaling sa Pangulo.

Habang ang mga eedad naman ng 80, 85, 90, at 95 at dapat makatanggap ng P25,000 at felicitation letter galiing sa Presidente.

Nakasaad din sa panukala na pangungunahan ng National Commission of Senior Citizens ang naturang hakbang. RNT/FGDC