Pagbibigay ng patuloy na benepisyo sa health workers oks na sa House panel

Pagbibigay ng patuloy na benepisyo sa health workers oks na sa House panel

January 24, 2022 @ 1:03 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inaprubahan na ng House appropriations committee ang panukalang nagbibigay ng patuloy na benepisyo sa mga pampubliko at pribadong health workers maging sa barangay health workers sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at iba pang darating na health emergencies.

Sa ulat, ang substitute bill para sa House Bills 9640, 10198, 10285, 10331 at 10365 ay inaprubahan sa ikinasang virtual meeting ngayong Lunes, Enero 24.

Ayon sa isa sa principal author ng panukala na si Senior Citizens party-list Representative Rodolfo Ordanes, tinatanggap nila ang rekomendasyon ng appropriations panel kasama na ang pagbura sa active hazard duty pay, life insurance, maging sa accommodation, meals, at transportation allowances.

Samantala, sinabi ni Health Assistant Secretary Maylene Beltran na suportado ng DOH ang intensyon ng panukala na magbibigay ng benepisyo sa healthcare workers at frontliner sa pandemya.

“While the Department of Health supports the intent profounded by the bills, it, however, proposes that a singular allowance will be offered, which will cover and substitute for all the benefits enumerated in the bills,” ani Beltran.

“In addition, the rate of the allowance will vary according to the risk exposure of the healthcare worker in particular work settings. They can be either low, medium or high risk of exposure.”