Pagbibigay ng trabaho dapat walang kulay – TRABAHO Party List

Pagbibigay ng trabaho dapat walang kulay – TRABAHO Party List

January 20, 2022 @ 1:39 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Walang bahid o kulay pulitika ang dapat na pagbibigay sa trabaho at kabuhayan sa mga manggagawang Pinoy.

Ito ang isusulong ng Tagapagtaguyod ng mga Reporma at Adhikaing Babalikat at Hahango sa mga Oportunidad para sa mga Pilipino (TRABAHO) partylist.

Binigyang-diin ni Charles Aguilar, pangalawang nominado ng Trabaho Partylist, na sila ay isang partidong pampulitika na binubuo ng karaniwang nagtatrabahong Pilipino.

“Walang kulay ang trabaho. Dahil naniniwala kami na dapat sama-sama tayong mga manggagawang Pilipino na lalaban sa Kongreso para magsulong at magtaguyod ng reporma at oportunidad para pangarap ng mga ordinaryong Pinoy,” ani Aguilar.

“Hindi rin kami nakaasa o aasa sa padrinong pulitiko, malalaking negosyo at importanteng mga personalidad,” dagdag pa niya.

Kilala rin ang party-list para sa walang pakundangan, meme-centric na pagba-brand at nakakatawang mga post sa social media. Kamakailan, ginaya nila sa pamamagitan ng ‘parody’ o nakakatawang paglalarawan sa kanilang mga Facebook post ang mga sikat na tagline ng mga presidentiable candidate para sa 2022 elections.

Itinatag mula noong 2018 ngunit pormal na binuo bilang isang rehiyonal na partidong pampulitika sa National Capital Region noong 2019, ang Trabaho Partylist ay binubuo ng 2,000 miyembro sa mahigit 10 lungsod at munisipalidad mula sa Metro.

Ang partido ay naglalayon na magbibigay ng isa sistema ng pamahahala na bubuo ng inclusive, sustainable at malawakang pagkakataon para sa manggagawang Pilipino lalo na pagkatapos ng napakalaking kawalan ng trabaho at nakakabahala na antas ng underemployment sa bansa sa panahon ng pandemya.

Nagsagawa rin sila ng outreach program sa mga komunidad na naghihirap at nasalanta ng kalamidad, nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan para sa skills training na nagbibigay ng training isulong sa uring manggagawang Pilipino.

Kabilang sa mga panukalang batas ng TRABAHO party-list ang Digital Careers and Freelancers Act, Creative Space Careers Act, at ang pagtatag ng TRABAHO Centers sa buong bansa.

Ito ay isang one-stop shop para sa lahat ng mga may problema kaugnay sa trabaho ng mga Pilipino kabilang ang mga walang trabaho gayundin ang Micro, Small, and Medium Sized Enterprises (MSMEs).

Bukod pa riyan, nais din ng Trabaho na isulong ang allowance ng mga naghahanap ng trabaho, o national employment insurance para sa mga naghahanap ng trabaho, upang wakasan ang endo, o security of tenure bill, isulong ang national public employment program at mahanap at mabigyang kapangyarihan ang susunod na industriya ng BPO. RNT