Pagbibitiw sa pwesto ni MMDA chair Abalos tinanggap ni PRRD

Pagbibitiw sa pwesto ni MMDA chair Abalos tinanggap ni PRRD

February 8, 2022 @ 4:27 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kinumpirma ng Malakanyang na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang inihaing resignation letter sa Office of the President ni dating MMDA Chairman Benhur Abalos.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles,  puno ng dedikasyon at propesyunalismo ang naging pagsesseribisyo ni Abalos sa MMDA sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Dahil dito, pinasasalamat ng Malakanyang ang mga mahahalagang nagawa ng dating MMDA Chief, partikular na sa mga panahong humaharap sa matinding hamon ang bansa dahil sa pandemya.

Binigyang-diin ni Nograles na napakahalaga ng naging papel ni Abalos nang magpalit o mag-shift sa alert level system ang bansa na unang sinimulan sa Metro Manila.

Sa ulat, nagbitiw sa pwesto ang dating MMDA Chief upang maging campaign manager ni dating senador at ngayon ay Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kris Jose