Pagbili ng bagong bakuna vs COVID variants target ni PBBM

Pagbili ng bagong bakuna vs COVID variants target ni PBBM

August 17, 2022 @ 6:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na bumili ng bagong uri ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines laban sa Omicron coronavirus subvariants.

Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay dahil na rin sa ulat na nananatili pa ring problema ang presensiya ng Omicron subvariants na kailangan na tugunan.

Sa idinaos na “PinasLakas” vaccine campaign sa SM City Manila, sinabi ni Pangulong Marcos na sinabi sa kanya ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang tungkol sa bagong klase ng Covid-19 vaccines laban sa Omicron.

“Now, I was just told by Usec. Vergerie, mukha namang merong ilalabas na vaccine para dito sa mga bagong variant ng Omicron. Kaya’t pagaaralan natin and if it’s going to be helpful,” ayon kay Pangulong Marcos.

Giit ng Chief Executive na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino mula sa Covid-19.

“Gagawin natin ang lahat para madala dito sa Pilipinas para mabigay natin sa lahat ng kailangang magkaroon ng booster shot,” aniya pa rin.

Samantala, mahalaga ani Pangulong Marcos na tumanggap ng booster shot upang napanatili ang lahat na “fully immunized” laban sa Covid-19 at subvariant nito kabilang na ang Omicron.

“So, that is why it is very important and it’s very clear the benefits of having a booster shot now to combat the problem with the new variants of Omicron,” aniya pa rin. Kris Jose