Pagbili ng COVID vax, gawing eksklusibo sa PH gov’t – Marcos adviser

Pagbili ng COVID vax, gawing eksklusibo sa PH gov’t – Marcos adviser

October 15, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ang pamahalaan dapat ang sole entity sa pagbili ng COVID-19 vaccines sa bansa mula ngayon upang gawing simple ang procurement, ayon sa miyembro ng private sector advisory council ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Biyernes.

Sa nakaraang administrasyon, nakabibili ang private companies at local government units ng COVID-19 vaccines mula sa manufacturers sa tulong ng national government sa pamamagitan ng tripartite deals. Subalit, dahil sa mga isyu, naantala ang procurement.

Pinapayagan din ng pamahalaan ang mga negosyo na bumili ng sariling COVID-19 jabs para sa kanilang mga empleyado, bago muling buksan ang ekonomiya nitong nakaraang taon.

Subalit para kay Joey Concepcion, dating Palace adviser, “I would not suggest that (tripartite deals) anymore.”

“The private sector can only help in the future by committing to have their employees vaccinated against the virus, as well as help in vaccination logistics,” dagdag ni Concepcion. 

“Mas maganda na iyong mismong government ang bumili lahat ng mga bakuna… that is much simpler, where the government will be the sole importer of these vaccines and they will be the ones handling it in their respective storage.”

“We will not do the tripartite anymore, kasi there are certain questions whether we will go under EUA or CPR (Certificate of Product Registration),” giit pa ng opisyal.

“I feel that I think the vaccine companies will still push for Emergency Use Authority, kasi dito sa America, EUA pa rin siya. So, with that in case, then the government is best to manage the importation and warehousing, and distribution.” 

Ang pahayag niya ay kasunod ng paghikayat niya sa pamahalaan na bumili ng bivalent COVID-19 vaccines, o jabs na tuma-target ng multiple omicron variants, at sinabing available na ito mula sa manufacturers.

Habang may pandemya, hindi ito pwedeng i-commercialize at nasa ilalim pa rin ng emergency use authorization.

“Meaning ‘yung adverse effect atsaka indemnification at talagang sa gobyerno po ang mananagot po,” sabi ni Sec. Carlito Galvez Jr., National Task Force Against COVID-19 chief, noong nakaraang taon.

Idinagdag pa ni Galvez na ang local government units at private firms wna nais bumili ng COVID-19 jabs ay kailangan ng tripartite agreement sa national government. RNT/SA