Pagbili ng dengue vaccines abroad, sinisilip na ng DOH

Pagbili ng dengue vaccines abroad, sinisilip na ng DOH

July 20, 2022 @ 7:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang mga bakuna kontra dengue na maaaring mabili ng Pilipinas sa ibang bansa.

Sa harap ito ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa na kasalukuyang nasa higit 65,000 na.

Kasabay nito, tiniyak ng ahensya na daraan sa proseso ang pagbili ng bansa ng mga dengue vaccines.

Kabilang dito ang pag-a-apply ng manufacturers ng certificate of product registration sa Pilipinas na sunod namang idaraan sa masusing evaluation. RNT/ JCM