Pagbili ng gamot sa lagnat, trangkaso nilimitahan na ng gobyerno

Pagbili ng gamot sa lagnat, trangkaso nilimitahan na ng gobyerno

January 12, 2022 @ 7:27 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nagtakda ng limitasyon ang gobyerno sa bilang ng maaaring bilhin na gamot panglagnat at pangtrangkaso bunsod ng mataas na demand nito sa gitna ng COVID-19 surge.

Sa inilabas na joint memorandum circular ng Department of Health at Department of Trade and Industry nagtakda sila ng purchase cap para sa paracetamol, phenylephrine hydrochloride + chlorphenamine maleate + paracetamol, at carbocisteine medicines.

Nakasaad sa abiso na ang bawat indibidwal ay maaari lang makabili ng 20 pirasong paracetamol tablets, habang dapat hindi lalagpas sa 60 na tableta ang papayagan kada kabahayan.

Para naman sa liquid paracetamol, ang isang indibidwal ay maaari lang makabili ng limang bote, habang 10 sa buong kabahayan.

Para sa phenylephrinehydrocholoride, chlorphenamin e maleate, at paracetamol na may 2.5 mg.500 mcg.125 mg per 5 ml dosage, 60 ml suspension ay lilimitahan sa  lima kada indibidwal at 10 kada kabahayan.

Ang pagbili naman sa Carbocisteine 500 mg/5ml, 60 ml is limited ay lilimitahan sa  lima kada indibidwal at 10 kada kabahayan ganoon din sa f 200 mg/5 ml, 60 ml suspension.

Hindi naman papayagan ang online selling ng mga gamot maliban na lang kung may permit ito sa Food and Drug Administration ayon pa sa memo.

Ang nasabing JMC ay pirmado nina DTI Secretary Ramon M. Lopez and Health Secretary Francisco T. Duque III. RNT