Pagbili ng luma, mahal na laptop para sa DepEd bubusisiin ng PS-DBM

Pagbili ng luma, mahal na laptop para sa DepEd bubusisiin ng PS-DBM

August 7, 2022 @ 10:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binabalak ng chief ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na maglunsad ng imbestigasyon sa P2.4 bilyong halaga ng “outdated and pricey” laptops na binili nito para sa Department of Education (DepEd) noong 2021.

“The PS-DBM, under my watch, shall fully cooperate to address the Commission on Audit’s findings and recommendations regarding the procurement of P2.4 billion worth of laptops for the Department of Education in 2021,” pahayag ni PS-DBM Executive Director Dennis Santiago nitong Sabado.

Inihayag ni COA ang pagkabahala sa pagbili ng DepEd ng mga laptop para sa mga guro sa implementasyon ng distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic, na inilarawan ito bilang “pricey and outdated” dahil may mas mura at mas mainam naman sanang opsyon.

“I shall instruct a thorough examination of the cost of the items involved, as well as [their] technical specifications,” giit ni Santiago.

“Should the records prove that there are indeed instances of non-compliance with the law and procurement rules, rest assured that we will never tolerate it,” dagdag niya.

Santiago said the PS-DBM’s mandate is to ensure that the procurement process is transparent and competitive to avoid irregularities.

Sa annual audit report ng DepEd para sa 2021, sinabi ng COA na ang pagbili ng mas mahal na laptop kumpara sa mga pasok sa budget ay nagresulta sa mas kaunting unit, kung saan mahigit 28,000 guro ang hindi nakatanggap nito.

“Based on the initial feedback we gathered from the auditors in the NCR and Cordillera Administrative Region (CAR), they stated that the delivered laptop computers by the winning bidder are too slow because the processor is …. outdated; and the price is too high based on the specifications as attached to the DepEd Memorandum,” saad sa audit report.

Nakasaad din dito na “per available documents, the Audit Team could not ascertain the DBM-PS’ basis for adopting the unit price of P58,300. Apparently, the supposed number of laptops to be procured of 68,500 units was significantly reduced to 39,583 units which was mainly due to the huge increase [in the] estimated cost [of] P35,046 to P58,300 anchored on the DBM-PS’ recommendation, which was duly accepted by the DepEd.”

Inilahad ng state auditors na pumayag ang DepEd sa presyo at technical specifications mula sa PS-DBM.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng DepEd na ang PS-DBM ang dapat sumagot sa presyo ng mga laptop.

“The Department only received the laptops from PS-DBM,” ayon sa Education Department.

Sinabi naman ni DepEd spokesperson Michael Poa nitong Huwebes na nakapagsumite na ang ahensya ng requirements na kinakailangan ng COA kaugnay ng kinekwestiyong procurement.

“DepEd commits to working closely with the COA to ensure the continuous improvement of its services to the public,”  anito. RNT/SA