Pagbili ng non-common use supplies, equipment para sa gov’t agencies sinuspinde ng PS-DBM

Pagbili ng non-common use supplies, equipment para sa gov’t agencies sinuspinde ng PS-DBM

August 16, 2022 @ 3:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ang pagbili ng non-common use supplies and equipment (Non-CSE) para sa mga ahensiya ng gobyerno “until further notice.”

“I issued a directive suspending the procurement of non-common use supplies and equipment, effective immediately,” ayon kay PS-DBM Executive Director Dennis Santiago sa isang kalatas.

Malinaw na ang ibig sabihin nito ay hindi tatanggap ang PS-DBM ng kahit na anunang requests para sa Non-CSE procurement “until further notice.”

“This will allow us to focus on the fulfillment of our primary mandate, which is to procure CSEs,” ayon kay Santiago.

Ang PS-DBM ay may mandato na “to procure common-use office supplies, materials, and equipment such as, but not limited to, ballpens, papers, stapler, paper clips, folders, and the like for all government agencies.”

“Tatapusin na lamang po ‘yung procurement ng mga non-CSE na ongoing o nasa pipeline na hanggang sa sila’y makumpleto. Pero hanggang doon na lang po iyon. Pagkatapos noon, wala na. Lahat ng procurement, CSE na lang,” ang pahayag ni Santiago.

Ang suspension ng pagbili ng NCSE ay kasunod at sa gitna ng kontrobersiya na bumabalot sa Department of Education (DepEd) hinggil sa di umano’y overpriced at outdated laptops na binili para sa mga guro. Kris Jose