Pagbili ng ticket sa lotto draws, games suspendido sa Pasko, Bagong Taon – PCSO

Pagbili ng ticket sa lotto draws, games suspendido sa Pasko, Bagong Taon – PCSO

December 16, 2021 @ 10:59 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Suspendido ang pagbebenta ng ticket para sa lotto draws sa Pasko at Bagong Taon, batay sa Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“December 25, Saturday, Christmas Day, and January 1, 2022, Saturday, New Year’s Day, no selling/ no draw,” saad ng ahensya.

Ayon kay PCSO general manager Royina Garma, ang laro para sa Disyembre 24 at 31 ay gaganapin nang mas maaga sa 11:30, susundan ng 2:30 p.m. at 4 p.m.

Habang ang selling period naman ng ticket ay mula alas-7 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga para sa lotto at digit games; at 7 a.m.-2 p.m. sa Keno sa Disyembre 24 at 31.

Ani Garma, ito ay para makapag-holiday rin ang PCSO personnel kasama ang kanilang pamilya.

Habang babalik naman ang regular selling at draw sa Disyembre 26 hanggang 30 at Enero 2, 2022 hanggang sa mga susunod pa. RNT/FGDC