Pagbisita ng water birds sa Pinas, panawagan sa Pinoy na alagaan ang kapaligiran – Cimatu

Pagbisita ng water birds sa Pinas, panawagan sa Pinoy na alagaan ang kapaligiran – Cimatu

January 27, 2022 @ 7:01 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Dahil sa pagpapanatili ng ekolohikal na integridad at kasaganaan ng ating mga baybaying lugar umaasa si Secretary Roy A. Cimatu na magiging mas mapagmasid ang mga Filipino kung ano ang epekto ng migratory birds sa kapaligiran sa pagtatapos ngayong buwan ng taunang waterbird count ng Department of Environment and Natural Resources-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) at mga katuwang nitong volunteers.

“Maintaining the ecological integrity and abundance of our coastal areas, offshore habitats, and inland wetlands is crucial for bird migration and beneficial to people. Let us make Filipinos aware of this to inspire them to take care of our environment as we in the DENR has always envisioned,” saad ni Cimatu.

Ayon sa DENR sa nakalipas na limang taon, may 300,000 hanggang 500,000 waterbirds ang naitala sa higit 150 wetland sites sa buong bansa.

Sa press release ang Pilipinas ay nasa gitna ng East-Asian-Australasian Flyway (EAAF) at nagsisilbing wintering ground ng migratory birds na tumatawid mula Alaska, Russian Far East patungong Japan, China, Southeast Asia at pababa sa Australia at New Zealand.

Ang EAAF ay isa sa siyam na pangunahing flyways sa mundo na tinatawid ng mga migratory waterbirds kada taon upang iwasan ang matinding tag-lamig o winter sa hilaga.

Kaugnay nito ayon kay Biodiversity Management Bureau (BMB) OIC Director Natividad Bernardino, “the availability of intact and functional wetlands determines the ability of migratory birds to complete their migration cycle.”

“These migratory waterbirds rely on healthy wetlands which serve as their ‘staging site’ or temporary stop-over to rest and feed to build up sufficient energy for the next phase of their journey down south and back to their breeding ground in the northern hemisphere.”

“We, at the BMB, remain committed to our mandate in wetland conservation. We work hand in hand with our field counterparts and local government units in managing our wetlands. The results of the Asian Waterbird Census help us identify wetland sites for priority protection and management and set aside wetlands of national and international importance,” dagdag pa nito.

Ang Asian Waterbird Census ay taunang kaganapan na ginagawa tuwing ikalawa at ikatlong linggo ng Enero.

Ito ay mahalagang bahagi ng global waterbird monitoring program, ng International Waterbird Census, at kinokoordina ng Wetlands International.   (Santi Celario)