Pagbisita ni PBBM sa Singapore kinumpirma ng Palasyo

Pagbisita ni PBBM sa Singapore kinumpirma ng Palasyo

October 3, 2022 @ 7:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Malacañang nitong Lunes na nasa Singapore si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong weekend, at sinabing ang pagbisita ay produktibo.

“Naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. Pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa bayan na ito, at pinatuloy ang paghihikayat sa pag invest sa bayang Pilipinas,” saad sa caption ng Facebook post ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles para sa isang re-post ng post ni Singapore politician Tan See Leng.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Tan See Leng: “Congratulations to Sergio Perez for winning the Singapore Grand Prix! Happy to meet various Heads of States, Ministers and foreign dignitaries (including Bongbong Marcos, President Surangel Whipps Jr., Cambodia’s Minister attached to the Prime Minister and Managing Director of Electricite Du Cambodge (EDC), Keo Rottanak, Cambodia’s Minister of Commerce, Pan Sorasak, Advisor to the Royal Court, Kingdom of Saudi Arabia, Dr. Fahad Bin Abdullah Toonsi) to affirm our bilateral economic relationships and strengthen collaborations in energy cooperation as well as exchange views on manpower policies on the sidelines of the race.”

Isinagawa nag Singapore Grand Prix sa Marina Bay Street Circuit mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 2. Nanalo ang Mexican driver ng Red Bull Racing na si Sergio Perez sa nasabing race.

Lumabas ang mga ulat nitong weekend na nagtungo si Marcos sa Singaporenitong Sabado ng hapon para sa two-day visit upang panoorin ang event.

Nasa Singapore si Marcos mula Setyembre 6 hanggsng 7 para sa state visit, kung saan nagkaroon siya ng hiwalay na pulong kay Singaporean President Halimah Yacob at Prime Minister Lee Hsien Loong ukol sa bilateral relations at iba pang isyu. Kris Jose