Pagbisita ni PBBM sa Washington pinaplantsa na – envoy

Pagbisita ni PBBM sa Washington pinaplantsa na – envoy

March 12, 2023 @ 10:17 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – KASALUKUYANG inaayos at pinaplantsa ang posibleng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington ngayong taon.

Ito ang binanggit ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel G. Romualdez sa isang event kung saan ang tumayong host ay ang Washington’s Institute of World Politics.

Aniya, inaasahan na bibisita si Pangulong Marcos sa US West Coast bago matapos ang taon para sa APEC summit, na nakatakdang idaos sa San Francisco sa Nobyembe 12, 2023.

“We are also working on a possible standalone visit here in Washington DC, although we have yet to agree on the likely dates,” ayon kay Romualdez. Kris Jose