Pagbisita ni US VP Harris sa Palawan, ‘di makaaapekto sa PH-China relations

Pagbisita ni US VP Harris sa Palawan, ‘di makaaapekto sa PH-China relations

November 20, 2022 @ 1:01 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado, Nobyembre 20 na ang nalalapit na pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan ay hindi makaaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China.

“I don’t see why they should. She is in the Philippines and she is visiting another part of the Philippines. And of course, it is the closest area to the South China Sea, but it’s very clearly on Philippine territory, so I don’t think there should be… I don’t think it will cause any problems,” sinabi ni Marcos sa mga mamamahayag.

Si Harris ay nakatakdang dumating sa Pilipinas mamayang gabi, Nobyembre 20 kasunod ng kanyang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.

Makikipagkita siya kay Marcos at kay Vice President Sara Duterte bukas, Nobyembre 21 at bibisita sa Palawan na isa sa pinakamalapit na teritoryo ng bansa sa pinag-aagawang South China Sea sa Martes, Nobyembre 22.

Nang matanong kung anong mga isyu ang posibleng mapag-usapan, sinabi ni Marcos na ang relasyon ng Pilipinas at US ay dapat na magpatuloy na lumalago.

“Well, things have changed. What will the United States do in response, and what do they expect from their partners in the region?” aniya.

“[W]hen it comes to security and defense in the Asia Pacific… It really has to be a joint response. I don’t think any single country should go it alone. I think we will do much better if we respond as a group, and I think other countries agree,” dagdag ng Pangulo. Kris Jose