Pagbisita ni VP Sara Duterte sa Japan, tumutok sa edukasyon

Pagbisita ni VP Sara Duterte sa Japan, tumutok sa edukasyon

September 29, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ng ilang education-related activities sa pagbisita niya sa Japan mula Setyembre 26 hanggang 27, bilang Special Envoy ng Pilipinas sa state funeral ni dating Prime Minister Shinzo Abe.

Inihayag ng Office of the Vice President nitong Huwebes na binisita ni Duterte ang isang elementary school sa Japan at nakipagkita sa mga opisyal mula sa Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology.

Tinalakay nila ang blended learning, values and skill formation, STEM education, at COVID-response, base sa OVP.

Kasama ni Duterte brought ang Grade 9 student na si Trix, at kanyang ina na si Jen, mula sa Dinalupihan, Bataan, sa official activities niya sa Japan.

Inimbitahan si Jen sa two-day trip bilang bahagi ng “You Can Be VP” project ng OVP “to inspire learners to dream big and aim high.” 

Sa kanyang pagbisita, nakipagpulong din si Duterte sa ilang Japanese officials at nag-courtesy call kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Inihayag ng Japan Embassy isa Pilipinas nitong Martes na nangako si Kishidana palalakasin ang relasyon ng Japan at Pilipinas sa ilalim ng Marcos administration.

Inilatag din niya ang plano ng Japan na pangangasiwaan ang pagpapabuti ng agricultural at fisheries value chains at small arms at light weapons sa Mindanao, maging ang pagbabahagi ng educational support para sa junior government officers ng Pilipinas para makapag-aral sa Japan.

Nakipagtagpo rin si Duterte sa mga miyembro ng Filipino community sa Japan.

Nakauwi sila sa Pilipinas nitong Miyerkules ng umaga. RNT/SA