Pagbisita sa Museum, nirereseta na bilang gamot

Pagbisita sa Museum, nirereseta na bilang gamot

October 26, 2018 @ 3:26 PM 3 years ago


 

Montreal, Canada – Sisimulan nagrupo ng mga doktor sa Canada ang pagreseta ng pagbisita sa mga art museum upang tulungan ang mga pasyenteng nakararanas ng physical at mental health issues.

Sa pakikipagtulungan ng Francophone Association of Doctors in Canada (MFdC) sa Montreal Museum of Fine Arts (MMFA), reresetahan ng libreng pagbisita sa museum ang mga pasyenteng nakararanas ng piling physical and mental health issues, kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, upang gamiting gamot ang benepisyo ng art sa kalusugan.

Ang proyektong ito ay ang kauna-unahan sa buong mundo, ayon sa mga organizer.

Bubuo ang mga makikiisang physicians ng mahigit 50 indibidwal upang bumisita sa MMFA habang sila’y nagpapagaling. Ang bawat pass ay para sa dalawang matatanda at dalawang menor de edad.

Sa ngayon, 100 doctor ang nag-enroll upang makiisa sa gagawing proyekto, ayon kay Nicole Parent, pinuno ng MFdC, nitong Huwebes.

Dahil sa lumalaking bilang ng doktor na nagnanais na makiisa sa proyekto, ayon kay Parent, ito lamang ay isang patunay na ang mga ito ay mayroong “sensitivity and openness to alternative approaches if you want.”

Binigyang diin din ni Parent ang napatunayang benepisyo ng art para sa kalusugan ng tao.

Kabilang sa mga benepisyong ito ay kapareho sa mga maaaring makuha ng mga pasyente mula sa physical activity, kaparehong nakapagpapalabas ng parehong lebel ng feel-good hormones, at nakatutulong din sa pagpapagaling ng chronic pain, depression, stress, at anxiety.

Sa proyekto, papayagan ang mga organizer na kumalap ng mga datos at magsuri ng mga resulta upang makabuo ng development of protocol para mas makilala ang pasyenteng nangangailangan ng reseta.

Umaasa si Parent na ang ibang mga museum sa Canada ay susunod sa hakbang ng MMFA.

“I am convinced that in the 21st century, culture will be what physical activity was for health in the 20th century,” ayon kay MMFA director Nathalie Bondil sa isang  statement.

“Cultural experiences will benefit health and wellness, just as engaging in sports contributes to fitness.”/Remate News Team