Pagbisita sa Tagaytay ‘di na kailangan ng travel authority

Pagbisita sa Tagaytay ‘di na kailangan ng travel authority

September 17, 2020 @ 8:54 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Tagaytay, Philippines – Maaari nang pumasyal sa Tagaytay kahit walang travel authority ayon kay Tagaytay City Administrator Greg Monreal.

“‘Pag pumunta sila dito, hindi na kailangan dahil ang pinagbabasehan namin ‘yung Section 7, Item 5 noong Omnibus Guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF),” pahayag ni Monreal.

“Sinasabi nga po doon, ‘The movement of persons for any purpose across general community quarantine areas and also areas where community quarantine is not in place are permitted,’” dagdag pa nito.

Samantala, magpapatuloy namang tumanggap ng mga turista ang lungsod habang nililinaw pa ng lokal na pamahalaan ang nasabing protocol sa IATF.

“Bago po kami nagbukas ay sinigurado naman po namin na lahat ng health and safety protocols ay in place at saka lahat ng guidelines na ibinababa ng national government ay sinusunod po namin,” saad pa nito.

Ngunit taliwas ito sa pahayag ni JTF COVID Shield commander Lieutenant General Guillermo Eleazar na kinakailangan ng travel authority bago makapasok ng lungsod ang mga hindi residente ng Cavite.

“Ito kasing travel authority, ito ‘yung nagbibigay ng opportunity para ma-control ‘yung movement ng ating mga kababayan,” sabi ni Eleazar.

Samantala, tumanggap na ng halos 16,000 turista ang Tagaytay nitong weekend.

Mayroon na ring 80 porsyento ng mga restaurant ang nagbukas habang 50 porsyento naman sa mga malalaking hotel.

“Natutuwa ng konti ang ating mga business sector dahil kahit papaano, magmula noong Taal Volcano eruption hanggang sa COVID-19 pandemic ay ngayon lang sila makakapag-umpisa ulit na mag-negosyo,” dagdag pa nito.RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...