Pagbitay ng Iran sa mga raliyesta nagsimula na

Pagbitay ng Iran sa mga raliyesta nagsimula na

December 8, 2022 @ 6:19 PM 2 months ago


IRAN- Sinimulan na ng Iran ang pagbitay sa mga sangkot sa mga rally nitong nakaraang mga araw kaugnay ng pagkamatay ng isang babae na hinuli ng mga morality police sa hindi pagsusuot o maling pagsusuot ng hijab.

Binitay sa lubid si Mohsen Shekari kahapon ng umaga makaraang ideklara itong nangharang sa mga pwersang Basij Resistance Force at gumamit ng machete o palakol laban sa mga ito sa Sattar Khan Street sa Tehran noong Setyembre 25.

Maaaring masundan umano ang pagbitay lalo’t may 10 na sa mga nililitis ang idineklarang nagkasala ng pakikipaglaban sa Diyos

Makaraang hatulan si Shekari ng revolutionary court, umapela naman ito ngunit hindi ito pinagbigyan ng Supreme Court at isinagawa na ang pagbitay pagkatapos.

Nagkaroon ng mga malakihang rally sa iba’t ibang bahagi ng Iran makaraang mamatay si Mahsa Amini, 22, sa kulungan at iniimbestigahan.

Sa buong panahon ng mga rally, umabot sa 475 na nagprotesta ang namatay, 18,240 ang naaresto at ilang pwersa ng pamahalaan.

Inakusahan ng pamahalaang Iran ang United States na pangunahing nasa likod ng mga rally sa gitna ng kampanya ng huli na suportahan ang mga rally. RNT