Pagbiyahe ng live birds mula Luzon papuntang Vis-Min, suspendido pa rin

Pagbiyahe ng live birds mula Luzon papuntang Vis-Min, suspendido pa rin

April 7, 2022 @ 3:57 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng Department of Agriculture (DA) ng 30 araw ang travel ban ng poultry at non-poultry live birds mula Luzon patungong Visayas, Mindanao at sa rehiyon ng Mimaropa dahil sa banta ng bird flu.

Ayon sa DA, exempted na sa travel ban ang day-old breeder chicks, day-old pullets, at hatching eggs na galing sa mga lugar na walang kaso ng naturang sakit.

Gayunman, kailangan na mayroong negative test result ang mga manok at itlog mula sa pinanggalingan nitong farm.

Habang bawal pa rin ang inter-regional movement ng mga pato at itik sa loob ng Mainland Luzon.

Sa ngayon, nakapagtala na ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng mga kumpirmadong kaso ng bird flu sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan, Laguna, Camarines Sur, Benguet, Sultan Kudarat, North Cotabato at Davao Del Sur.

Pabor naman sa United Broiler Raisers Association (UBRA) ang pagluluwag ng DA sa pagbiyahe ng mga manok at itlog na walang bird flu dahil maiiwasan din nito ang oversupply sa Luzon. RNT/ JCM