Pagbomba sa mataong shopping center sa Ukraine, kinondena ng Santo Papa

Pagbomba sa mataong shopping center sa Ukraine, kinondena ng Santo Papa

June 30, 2022 @ 8:10 AM 1 month ago


UKRAINE – Tinawag ni Pope Francis noong Miyerkules ang pambobomba sa isang  mataong shopping center sa lungsod ng Kremenchuk na pinakahuling sunod-sunod na “barbarous attacks” laban sa Ukraine.

Sinabi ng Ukraine na hindi bababa sa 18 katao ang napatay at humigit-kumulang 60 ang nasugatan noong Lunes ng isang missile strike ng Russia .

Sinabi ng Ministry of Defense ng Russia na natamaan nito ang isang lehitimong target ng militar sa lungsod, at hindi ginagamit ang shopping center.

“Every day, I carry in my heart dear and martyred Ukraine, which continues to be flagellated by barbarous attacks like the one that hit the shopping center in Kremenchuk,” sinabi ng Santo Papa sa  St. Peter’s Square sa Kapistaham ng St. Peter and Paul.

“I pray that this mad war can soon end and I renew my appeal to persevere without tiring in praying for peace.

“May the Lord open the those paths to dialogue which men either do not want or not able to find. May they not neglect to help the Ukrainian population, which is suffering so much,” sabi ng Kanyang Kabanalang Francisco. Jocelyn Tabangcura-Domenden