Pagbubukas ng 3 pang istasyon sa LRT-2, sisimulan na – LRTA

Pagbubukas ng 3 pang istasyon sa LRT-2, sisimulan na – LRTA

October 13, 2019 @ 2:33 PM 10 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magkakaroon ang LRT2 ng tatlo pang istasyon, Linggo.

Ang mga istasyon sa Tutuban, Divisoria, at Pier 4 ay isasagawa sa ilalim ng P10.1-billion LRT-2 West Extension Project na layong makumpleto sa taong 2023.

Magiging limang minuto na lamang ang biyahe mula  5 Recto Station hanggang Pier 4, saad ng LRTA habang hindi naman tatagal ng isang oras ang biyahe mula Masinag at Pier 4.

Sa taya ng LRTA, madaragdag pa ang 16,000 pasahero sa LRT-2 sa 240,000 pasahero araw-araw.

“The increase in commuters who will benefit from the extension project translates to the reduction of commuters not using Metro Manila’s congested streets,” sabi ni LRTA administrator Reynaldo Berroya. Remate News Team


  •  
  •  
  •  

Loading...