Pagbubukas ng mass media sa mga dayuhan, magpapalakas sa PH press freedom –  solon

Pagbubukas ng mass media sa mga dayuhan, magpapalakas sa PH press freedom –  solon

February 18, 2023 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naniniwala ang miyembro ng House Committee on Constitutional Amendments na ang pagbubukas ng mass media sa mga dayuhan ay makatutulong sa pagpapalakas ng press freedom sa bansa.

“Foreign media, especially the western media kung saan nagpa-practice sila ng transparency, like CNN, like Bloomberg, it will strengthen our press freedom kasi hindi po sila basta-basta makokontrola ng mga pulitiko,” anang senior vice chairperson ng panel na si Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor.

“It will give a chance for the foreign media to exercise and show us their best practices when it comes to press freedom,” dagdag niya.

“It can also improve the transfer of technology to our local media. Mas mababantayan po ang pagpapatakbo ng gobyerno ng buong mundo, hindi lang ng local media,” anang mambabatas.

“Mas mababantayan po ng buong mundo, through foreign media and international media, how we exercise our rights and liberties, our human rights since it has become a concern during the previous administration,”patuloy niya.

Hinaharang ng 1987 Constitution ang mga dayuhan sa mass media.

Matatandaang ibinasura ng House of Representatives panel noong 2020 ang hiling ng ABS-CBN Corporation, ang pinakamalaking broadcaster ng bansa sa panahong iyon, para sa bagong prangkisa, kasunod ng alegasyon na ang dati nitong chairman-Emeritus na si Eugenio “Gabby” Lopez III ay isang Philippine-American citizen.

Inihayag ito ni Defensor sa public consultation ng komite sa charter change sa San Fernando, Pampanga.

Nagsagawa ang House of Representatives Committee on Constitutional Amendments ng out-of-town public consultations sa charter change sa San Fernando para pakinggan ang stakeholders ng Region 3. RNT/SA